Paano malalaman kung ang papaya ay lalaki (hindi namumunga) o babae (namumunga)

Ang papaya (Carica papaya linn.) ay isang prutas na berde kung hilaw at dilaw naman kapag hinog. Ang laman nito ay kulay orange o kaya naman ay orange-red. Ito ay nabubuhay sa kahit anong uri ng lupa pero mas mas maganda kung ito ay nakatanim sa loam soil o kaya’y clay-loam soil na may maayos na patubig.





Sa pagpatubo ng mga buto, ugaliing gumamit ng seed bed para masiguro kung ang papaya na itatanim mo sa iyong taniman ay mamumunga o hindi. Ito ang palaging problema ng mga mahilig magtanim sa kanilang bakuran o sa kanilang bukid. Paano nga ba natin malalaman kung ang papaya ay mamumunga o hindi? May dalawang uri tayo ng papaya, ito yong sinasabi natin na lalaki o hindi namumunga at babae naman ang papayang namumuga. 




Sa dalawang papaya seedlings alin sa kanila ang lalaki o babae. Mas mabuting malaman natin ang simpling kaalaman na ito upang mas mapabuti at mabawasan natin ang oras na masasayang natin sa pagtatanim ng papayang hindi naman pala mamumunga ng mabuti. Ang papayang lalaki o hindi namumunga ay ang papayang mayroong main root na makikita mo sa kaliwa. Kapag nakakita ka ng papayang ito sa seed bed mo huwag mo ng subukang itanim ito sa iyong taniman. Sa ating mga nakasanayan, kapag naitanim natin ang papayang lalaki at nakita natin na ito ay namulaklak lamang, pinuputol natin sa kalagitnaan ng puno at magkakaroon ito ng sanga. Ito ay mamumunga ngunit maliliit hindi katulad ng papayang babae. Ang papayang babae o papayang namumunga ay ang papayang may ugat na parang fibrous, wala itong main root na tinatawag. Nawa’y sa simpling kaalaman na ito nakatulong ito sa pagtatanim nyo.
Source: Farmer of God

Comments