ANG HIWAGA NG EDEN

ANG HIWAGA NG EDEN
GENESIS 2:5-25; 3:1-24

(Bible Illustrations by Sweet Media).jpg  commons.wikimedia.org

           Nang likhain ng diyos ang langit at ang lupa siya’y nasiyahan at lubos na nalugod sa kanyang ginawa. Nang likhain n’ya ito wala pang anumang halaman o pananim sa lupa sapagkat wala pang ulan noon at wala pa rin magsasaka. Ngunit mayroon ng bukal ng tubig na tumidilig sa lupain. Ang isang ilog na dumudilig sa Eden ay nahati sa apat na sanga paglabas ng daloy nito sa Eden. Ang unang ilog ay ang PISON na dumadaloy sa lupain ng Havila; ang ikalawang sanga ng ilog ay tinatawag na Gihon at umaagos ito sa lupain ng Etiopia; Tigris naman ang tawag sa pangatlong sanga ng ilog na dumadaloy sa lupain ng Asiria at ang ikaapat na sanga ng ilog ay ang Eufrates. Sa mga ilog na ito malalaman mo kung nasaan ba talaga ang Hidden Eden base on the description of the bible. This is the first place where God create man and women. But no one can see this place because this is protected of things seated by God. Bakit nga ba pinaalis sa Eden si Eva at Adan? Ano nga bang kahoy at ilang klase ng kahoy ang nasa gitna ng Harden?

“Sa gitna ng halamanan, naroon ang punong nagbibigay-buhay at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.” – Genesis 2:9b

Ibig sabihin hindi lang isa bagkus dalawang uri ng punongkahoy ang nasa gitna ng Eden, isang nagbibigay ng buhay na kung saan kapag nakain ito ng tao kalian man siya’y hindi mamamatay (immortal) na katulad ng Diyos at isa ay ang punong nagbibigay kaalaman tungkol sa mabuti at masama na kung saan ito ay ang bungang kinain nina Adan at Eva kaya nalaman nilang sila ay hubad. Nang tuksuhin si eva ng ahas pumitas siya’t kumain ng bungang nagbibigay kaalaman tungkol sa mabuti at masama kaya sila’y nahiyang magpakita kay Yahweh sapagkat nalaman nilang sila ay hubad. Ito’y ginawa lamang ng Diyos para malaman kung gaanu ka masunurin at katapat ang tao sa Diyos pero hindi sila sumunod kaya nagkasala ang tao. Dahil sa nagkaroon ng karunungan ang tao, nag-alala ang Diyos at baka makain nila ang punong nagbibigay buhay. Sinabi ni Yahweh “Katulad na natin ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. HINDI NA SIYA DAPAT TULUTANG KUMAIN NG BUNGANGKAHOY NG BUHAY AT BAKA HINDI NA S’YA MAMATAY. Kaya pinalayas sa halaman ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.” – Genesis 3:22-23

Iyan ang dahilan kung bakit Pinalayas ng Diyos ang tao sa Eden dahil kung nagkataong makain ng tao ang punong nagbibigay buhay, ang tao ay kaylan man ay hindi na mamatay na katulad ng Diyos. Nang nilisan ng tao ang Eden prinotektahan ng Diyos ang puno para hindi ito malapitan ninuman.

Ito’y isa lamang pagbabahagi ng hiwagang natatangi ng Eden na nilikha ng Diyos para sa taong nilikhang kalarawan ng Niya. Pero dahil sa likas na kahinaan ng tao tayo’y nahuhulog sa patibong ng kaaway. Nawa’y lahat tayo ay sumunod sa kung ano ang gusto ng Diyos at plano sa atin upang hindi tayo mapahamak. Huwag kang hahangad ng isang bagay na gusto mong malampasan ang kung anong mayroon ang Diyos sapagkat kailan ma’y ikaw ay hindi magtatagumpay. Ano mang pagsisikap mong makuha ang isang bagay na may masamang adhikain kailan ma’y hindi ka magtatagumpay sa araw na iyong hinahangad bagkus manatili kang dumaing sa Diyos sa mga bagay na yaon upang malaman mo kung ito’y dapat at hindi karapat dapat sa iyo. –
Michael R. Marcial

Comments