The Art of Hand (Guhit ni Jeremy)



Making the real image is so difficult; having a 3D image is so hard for those person na hindi biniyayaan ng talentong umukit at gumuhit. Alam natin na mahirap ang gumuhit lalo na sa ating hindi naman talaga mahilig at marunong gumuhit pero sa batang ito na aking nakilala mapapabilib ka sa imaheng parang tunay kong iyong tingnan at buhay kung iyong titigan, ang mga larawang gawa ng kanyang mga kamay. Siya pala si Jeremy Del Carmen isang batang biniyayaan ng talentong hinubog at nahubog ng panahon. 3 years old s’ya ng mapansin ng kanyang magulang ang kahiligan nitong gumuhit. Kwento sa akin ng kanyang magulang na si Mrs. Anna Marie Del Carmen , Nagsimula itong gumuhit gamit ang colored chalk sa maliit na block board sa kanilang bahay doon sa Ocampo, Camarines Sur. Hinahati n’ya ang block board na ito para sa kanyang dalawang anak na lalaki dahil madalas daw itong magtalo kapag gumuguhit ang dalawa. Taong 2007 ng lumipat sila sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Compound, Pili, Camarines Sur, dahil dito nagtatrabaho ang kanyang magulang para lubos na maalagaan at mabantayan ng magulang ang kanyang mga anak na kung saan dito nagsimula ang pagguhit sa papel ni Jeremy. Binigay ng kanyang ina ang lahat ng gusto nyang bilhin at gamitin sa pagguhit na nagging isang ambag sa paghubog ng kanyang talento. Bukod sa mahilig gumuhit, napakasipag pang mag-aral itong si Jeremy  na inaabot pa ng hating gabi sa paggawa ng aralin kaya naman siya ay isa sa nangungunang estudyante sa academic sa paaralang kanyang pinapasukan. Grade 4 siya ng malaman ng school ang kanyang kakayahang ito, kaya madalas siyang sinasali sa mga school competition. Dito Nagsimula ang kanyang pagiging professional sa pagguhit. Mayroon na rin s’yang mga award na nauwi sa mga exhibit n’yang ginawa. Siya ay patuloy na guguhit ng daan patungo sa kanyang pangarap.

“Napahanga ako sa talento ng batang ito kaya binahagi ko ito sa inyo. Noong una ko pa lang nakita ang mga output nya sobrang napa-believe talaga ako. Nakita ko ang suporta ng kanyang ina sa kanyang anak na isa sa napaka-importanting ambag sa paghubog ng isang talento. BE INSPIRED AND MAKE A NEW THING FOR OTHERS.” 

Some Of his Artwork

Moon Shadow

Ed Sheeran

Running Water

Taylor Swift

Jeremy artwork posted on his Instagram Account

Comments

Post a Comment