ISIP AT TALINO
by: Michael Marcial
I
Ang talino ang kapangyarihan ng isang tao
Na ibinigay ng Diyos sa’tin ng buong-buo
Pahalagahan ito’t palaguin nang husto
’Pagkat ito’y ating magagamit ng totoo.
II
Huwag gamitin sa ’yong sariling kapakanan,
Pandaraya sa iba’t sa walang kabuluhan,
Sapagkat hahantong ka sa isang kamatayan;
Ang ’yong kaparusahan ay walang katapusan.
III
Gamitin sa mabuti at sa may kabuluhan,
Ito’y iyong sangalang sa kasinungalingan,
Pandaraya sa iba at sa mga mapanlinlang,
Hindi ka matutukso o magkamali man lang.
IV
Ibukas ang iyong isip at ito’y masusumpungan,
Ang mga bagay na dapat at ang katotohanan.
Ang katotohanan na magpapalaya sayo,
Sa kadilimang ito ng buhay mo sa mundo.
V.
Ang katotohanan ang magpapalaya sayo
At magliligtas sayo sa apoy ng imp’yerno.
Ipaglaban ang tama at magpakatotoo
Sa pagpapalaganap ng katotohanang ito.
VI
Langit at imp’yerno ang ating kahahantungan.
Ang langit ang siyang buhay na walang hanggan.
Ang imp’yerno ang walang hanggang kaparusahan.
Ang tumubos ang daan tungo sa kaligtasan.
Comments
Post a Comment