PERLAS NOON,LION NGAYON

PERLAS NOON,LION NGAYON  (PHILIPPINES)
By: Michael Marcial

I

Sa mga pagkakataon at panahong lumipas
Mga pinuno ng bansang gumawa ng paraan
Upang maging maunlad ang mahal nating bayan.

Lahat sila’y may ambag sa pag-ahon ng perlas.

II



Itong perlas na kuminang sa kalalim-laliman
Na sumilaw sa lahat ng bansa sa daigdig
Upang s’ya ay lapitan at pakingan ang tinig
Na s’yang naging dahilan ng ating kaunlaran.

III



Tayo ay parang Liong tumatakbo sa ilang
Na pinagmamasdan ng karamihang nilalang.
Kung tayo’y walang paa sa paningin ng iba
Ngayon ay mayroon na at ito ay apat pa.

Comments